Tsunie

If you really love me.. like this.. :)

even as a friend.. ^_^

@Kuya Bar: kumaen lang si cano.. testing ko lang kung nag si-sync pa tumblr ko sa FB.. ^_^ 

Argh!..


Testing lang.. ihihihihi 

OMG!

Pagod Much!

Good Day and Good Luck.. ^_^

Emote-emote.. haha ^_^

Emote-emote.. haha ^_^

Habulan sa Computer Shop

isa sa mga hinding-hindi ko makakalimutang sandali sa hinaba-haba ng panahon sa pagbabantay ko sa isang computer shop.

April 13, 2011 ng hapon kausap ko si Ate Weng sa Computer Shop na pinapasukan ko nang may dumating na isang batang babae na nag rent sa PC4.

nakalipas na ang halos isang oras at tapos na akong mag duty nung mga panahon na iyon. nakauwi na rin ako sa bahay uapang mag pahinga nang biglang tinawag ako ni Raymond para tanungin sakin kung nakapag bayad na ba sa akin yung batang babae na nasa PC4, nung pumunta ako sa shop.. sinasabi nung bata na nag bayad na daw sya saakin at nag abot daw sya ng 50 pesos at nag hahanap pa ng sukli.. sinabi ko naman sa kanya kung nagbigay ba sya saakin nung time na nandito pa si Ate Weng, wala na daw si Ate Weng nung nag bigay na sya saakin ng pera.

naalala kong bigla na wala namang binibigay na 50 pesos yung bata kasi nung nagbibilang na ako ng pera e wala namang 50 pesos sa kaha ng pera.. kasi nung nag bilang ako ang perang nandun lang ay 250 pesos, ibig sabihin dalwang tig 100 at limang tig 20 ang hawak kong pera kanina so pano naman mangyayari na nagbayad na sya saakin diba? napansin lang namin sa bata bigla na lang syang nag bago ng sinasabi.. ang sabi nya “kuya nagbigay talaga ako ng pera! 50 pesod pa nga po yun, may sukli pa nga po yun e, sa inyo ko po talaga inabot yun, bigay pa po saakin ng Mama ko yun kahit itanung nyo pa po sa kanya” sabi ko naman “e ano naman ang kinalaman namin kung ang nanay mo yung nagbigay ng pera o hindi.. ang pinag uusapan natin e yung wala ka pang binibigay na pera sakin”, ang gusto pa nga nyang mnang yari e papuntahin nya yung nanay nya dito sa shop kaya ang sabi ko sa kanya “meron bang cellphone yung nanay mo? o kaya naman e landline?” at ang sinabi naman nya ay “wala po!”, so pano nya mapapaunta yung nanay nya kung wala syang contact diba? kaya ang sabi ko na lang sa kanya e sasamahan ko na lang syang umuwi sa kanila para makausap ko yung nanay nya.. ang sabi naman nya sakin e wag na lang daw.. sya na ang yung magpapapunta dito sa shop para mag bayad kasi nung last time nangyari na nawalan daw sya ng pera e binugbog sya.. sa isip-isip ko naman e ganun pa rin naman ang kahihitnat-natan ng mga pangyayari.. nagulat ako nang bigla syang lumuhod sa harap ko..

so decided na! talagang sasamahan ko na sya sa kanila para kausapin ko na yung nanay nya..

nung una sa ok pa syang kasama, maya-maya naman ay nag tatanggal na sya ng chinelas nya.. sabi ko sa kanya “e bakit ka na nagtatanggal ng chinelas? bakit tatakbuhan mo ba ako? sinasabi ko sayo kung takbuhan mo man ako maabutan kita, o sige suotin mo na yang chinelas mo.” hindi sya naniwala sakin, e nung naramdaman ko na talagang tatakbo na sya hinawakan ko sya sa braso nakita pa nga nila Papang (Lolo nila Ate Rhon at tatay ni Ate Weng)  yung pag hawak ko sa braso nya e. nagulat na lang ako nung bigla na syang humarurot ng takbo papunta ng Tugatog St. e naka chinelas pa ako nun, ang ginawa ko.. hinubad ko na yung chinelas ko habang hinahabol ko sya. malapit ko na na syang maabutan kaya naman, kaso yung dadaanan naman namin e yung lugar na mabato e dalikado sa paa yun kasi baka tumusok, kaya naman ang ginawa ko e nag sisigaw na ako na Harangin yung batang babae para maabutan ko.. buti na lang yung isa sa mga lalake sa Tugatog e hinarang sya, nung naabutan ko naman sya nag sisigaw sya at nag nga-ngangawa na parang ako pa yung umalipusta sa batang yon.

pinag titinginan na kame ng mga tao dahil sa pag hagulgol ng batang babae, kaya naman ang sinabi ko e “bakit ka naman gumaganyan? diba ang usapan natin e kakausapin natin ng mahinahon yun nanay mo? e bakit ka tumakbo?”, huminahon naman sya at naglakad ule kami papunta na ng Banal St. buti na lang din nakita ko yung isa sa mga Barkada ko sa at nagpasama ako sa kanya, nagkataon naman na kilala nya yung batang babae kaya naman sinamahan nya kami hanggang doon sa bahay nung batang babae.

pag datin namin sa bahay nung bata, hinayaan ko na na si Galman yung kumausap sa nanay ng bata, habang nag hihintay ako sa baba ng bahay nila e kinakausap naman ako ng mga kaanak nung batang babae, ang sabi ko “wala naman pong kasi sakin kung hindi sya mag bayad dahil sa walang-wala sya e.. kaya ko namang abunohan yun, ang problema lang naman po kasi e yung pinipilit nya na nasa-akin daw po yung 50 pesos nya na wala naman talaga saakin, nag hahanap pa nga po sya ng sukli, ang masaklap pa doon e yung tinakbuhan pa nya ako”, ok naman kausap yung Tyahin at Lola nung bata.. kasi binayaran naman agad ako.. pagtanggap ko nung pera ang sinabi ko ay ” pa sensya na po, trabaho lang.. tinakbuhan po kasi ako at inakusahan na nasaakin yung pera kaya naman po hinabol ko na, di nyo naman po siguro ako masisi kasi empleyado lang po ako, ok lang po sana kung ako yung may-ari nung computer shop.”, hanggang natapos na ang usapan umalis na kami sa bahay nung bata dala yung bayad sa isang oras na nagamit nya.

nakauwi ako sa bahay nang wala akong chinelas at nanginginig ang katawan ko dahil sa biglaan takbuhan na naganap. nakakahiya pa dun kasi pinagkumpulan pala ng tao yung mga dinaanan namin dahil kung ano na yung inakala nila.. hahaha.. grabeng experience to’ng naganap sakin.. di ko to makaklimutan hahaha.. sa totoo lang.. ANG DAMI KONG TAWA! NYAHAHAHAHAHAHA!

katamad.. sobrang katamad

Makitid

Sandya nga namang may mga tao na kahit anong sabihin mo e “Negative” parin ang pumapasok sa isip nila..

Just like my Tito Rene na wala namang alam sa mundong ginagalawan ko pero kung makapag salita e ganun-ganun na lang..

nag papatuong kasi yung Tita ko para makita nya sa Laptop yung mga pics nila together with her Cousins, dahil sa hindi xia marunong e nanghingi ng tulong sakin which is pwede ko namang tulungan gawa nga ng wala xiang alam tungkol sa pag-gamit nun.. 

e biglang umeksena ang mahusay ko tiyuhin.. bigla ba namang nag tanung na “ikaw ba marunong nito?”, parang ang dating sakin ay wala akong alam pagdating sa pag gamit ng Laptop.. ang sabi ko naman “hala! e saan ba ako nag ta-trabaho?, sa trabaho ko ano ba ang hinahawakan ko? diba computer din naman? ano ba ang Laptop?”.. tapos nun kung ano-ano na ang pinag sasasabi nya na paulit-ulit naman at wala rin namang saysay.. ikumpara ba naman ako sa trabaho nya bilang isang Electrician.. di naman sa minamaliit ko kung ano man yung trabaho nya pero ang layo-layo ng sinasabi nya sa sinasabi ko..hanggang sa umalis na xia ng bahay..

nang mabuksan ko yung Laptop.. na-alala ko na san nga pala naka-connect yung Interner? e una sa lahat hindi naman yun sa kanila.. sa barkada yung Tito ko na iniwan lang naman sa bahay nila.. napansin ko din naman na may Password yung Laptop kaya naman sinasbi ko sa Tita ko na wag na lang kasi di ko naman alam yung password nung may ari ng Laptop, kaya naman pinatay ko na lang uli yun..

hanggang sa dumating na yung may ari ng Laptop.. akala nya siguro pinipilit kong buksan yung OS ng Laptop nya kaya ang nasabi nya “Kahit na gaano ka ka-galing sa computer kung may Password naman yan, di mo talaga mabubuksan kahit na ilang beses mo pang i-shut down yan”.. pinaliwanag ko naman yung punto ko na, kaya ko naman shi-nut-down e dahil wala rin naman kaming mapapala dahil secured yung Laptop nya.. at di ko naman pinag pipilitan na buksan yun.. ano ako? sira? hanggang sa paulit-ulit din xiang nag-sasalita about dun.. palibhasa kasi mga naka-inom kaya di makapasok sa utak nila yung gustong ipaliwanag sa kanila..

naiinis ako kasi parang ang lumalabas ako pa yung “Tanga” pagdating sa mga bagay na yun? nakakapikon.. 

may araw din yang mga yan.. hmpf!